
Opisyal nang nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 11 miyembro ng kanyang gabinete na binigyan ng ad interim appointments.
Kabilang sa mga nanumpa sina Executive Secretary Ralph Recto, Health Secretary Edwin Mercado, Transportation Secretary Vince Dizon, Public Works Secretary Giovanni Lopez, Labor Secretary Francis Tolentino, Justice Secretary Frederick Vida, Presidential Communications Office Secretary Lino Cayetano, Budget Secretary Kim de Leon, Environment Secretary Juan Miguel Cuna, Tourism Secretary Maria Bernardita Mathay, at Philippine Space Agency Director General Gay Jane Perez.
Nauna nang nanumpa sa pangulo si Finance Secretary Frederick Go kahapon.
Ayon kay Recto, ang ad interim appointment ay nangangahulugang pormal na silang itinalaga sa kanilang mga posisyon habang walang sesyon ang Kongreso.
Ibig sabihin, hindi na sila acting secretary lamang at maaari na nilang gampanan ang kanilang mga tungkulin bilang mga kalihim.
Naisumite na rin ng Malacañang sa Commission on Appointments (CA) ang kanilang mga dokumento habang hinihintay ang kanilang kumpirmasyon.










