Friday, November 6, 2026

Record high na 1.29-M na pasahero at walang aberyang biyahe noong Undas, naitala sa NAIA

Nakamit ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pinakamataas na bilang ng mga pasahero na gumamit sa NAIA ngayong taon.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon, pumalo sa 1.29 milyong pasahero ang dumaan sa NAIA sa katatapos lamang ng 9-day holiday rush para sa Undas o mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4, 2026.

Ayon sa ulat ng New NAIA Infra Corp. (NNIC), ang opisyal na bilang ay umabot sa 1,291,885 pasahero, na mas mataas ng 4.4 percent kumpara sa parehong panahon noong 2025 o 1,237,475 pasahero.

Nalampasan din nito ang paunang pagtaya ng paliparan na 1.25 milyong biyahero.

Maliban sa record high na bilang ng mga pasahero, wala rin umanong naging aberya sa biyahe ng mga commuter.

Dahil dito, muling isinulong ni Dizon ang Public-Private Partnership (PPP) sa iba pang paliparan sa bansa para magkaroon ng magandang serbisyo.

Facebook Comments