11 Katao, Arestado sa Illegal na Pasugalan

Cauayan City, Isabela- Tuluyang dinakip ng mga kasapi ng Baggao Police Station ang labing isang (11) katao matapos maaktuhan ang mga ito na nagsusugal sa sisilbihang lugar sa San Jose, Baggao, Cagayan.

Una rito, nag implimenta ang pinagsanib pwersa ng PNP Baggao, 203rd Maneuver Coy at RMFB2 ng search warrant sa paglabag sa PD 1602 sa stall ng nagngangalang Dean Padilla at Margarita San Vicente sa nasabing barangay.

Dito na naaktuhan ang mga suspek na naglalaro ng majhong, dice at card game na nagresulta sa pagkakahuli nina Rufo Salvador, 55 anyos, Virgilio Salud, 54 anyos, Monico Allam, 51 anyo, Dean Padilly Dimaya, 46 anyos, Margarita San Vicente, 41 anyos, Mario Leones, 61 anyos, Proceso Pascua, 61 anyos, Vedesto Padilla Sr., 69 anyos, Delfin Jose, 69 anyos, ex-municipal councilor, Randy Geron, 34 anyos, at Samuel Aguire, 43 anyos at pawang mga rersidente ng Baggao, Cagayan.


Nakumpiska sa lugar ang dalawang (2) lamesa, isang (1) set ng majhong tiles, dalawang (2) piraso ng dice, tatlong (3) set ng baraha at pera na nagkakahalaga ng mahigit tatlong libong piso.

Samantala, dalawang katao naman ang nahuli ng PNP Pamplona na naaktuhan rin sa pagsusugal sa brgy. Tabba, Pamplona, Cagayan.

Nakilala ang mga suspek na sina Wilma Fernendez, 53 anyos, benepisyaryo ng Social Amelioration Program at Ester Rodriguez, 52 anyos na kapwa residente ng naturang barangay.

Nakatakas naman ang isa nilang kasama sa paglalaro ng Tong-its na kinilalang si Raffy Legaspi.

Nakuha naman sa lugar ang ginamit na isang (1) set ng baraha at bet money na nagkakahalaga ng Php190.00.

Ang mga suspek ay dinala sa bawat himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at sila ay mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling.

Facebook Comments