11 lugar sa bansa, kabilang sa mga ‘high risk’ areas sa COVID-19 – OCTA

Itinuturing ng OCTA Research Group ang 11 lugar sa bansa bilang ‘high risk’ sa COVID-19.

Batay sa OCTA, kabilang sa ‘high risk’ sa COVID-19 ang Makati City, Taguig City, Davao City, Cebu City, Iloilo City, Bacolod City, Cagayan de Oro City, General Santos City, Baguio City, Laoag City, at Mariveles, Bataan.

Bukod sa mga ‘high risk’ area, nakitaan din ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 kada araw sa mga lugar ng Laoag City, Baguio, Makati at Manila.


Nanatili naman ang ‘very high’ infection rate sa Laoag City na nasa 2.16%, Lapu-Lapu City na may 1.53%, at Cebu City na may 1.48%.

Sa kabila nito, sinabi ng OCTA Research Group na maituturing na nasa ‘moderate’ risk ang buong Pilipinas sa COVID-19.

Facebook Comments