Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa coronavirus disease ang isang 11-months old na bata mula sa Santiago City matapos isagawa ng City Health Office ang mass testing sa isang compound.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay Dr. Genaro Manalo, City Health Officer, umabot sa 30 ang isinailalim sa mass testing kabilang na ang ilan pang bata na nagpositibo rin sa virus.
Aniya, maituturing na ‘special case’ ang nangyari sa 11-months old dahil sumasailalim pa rin ito sa breastfeeding.
Sa kasalukuyan, magkasama na sa isolation facility ang ina at bata para masigurong mabibigyan ito ng sapat na paag-aalaga.
Samantala, hiniling ni Manalo sa DOH na kung maaari ay bisitahin ang ilang pasilidad para masuri ang sitwasyon at makapagbigay ng dagdag na hakbangin na gagawin.
Sa ngayon, mayroon ng 40 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Maglalaan naman ng pondo ang lokal na pamahalaan para bumili ng 20,000 na vaccine na ilalaan sa mga frontliners at mga senior citizen.
Panawagan rin nito sa Santiagueño na isuot ng mabuti ang mga face mask lalo na sa mga pampublikong lugar gaya ng palengke.