Inilikas mula sa Tripoli, Libya ang labing-isang Filipino dahil sa tumitinding tensyon sa naturang lugar.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dalawa sa 11 ay menor de edad at dadalhin ang mga ito sa Tunis.
Mula sa Tunis ay iuuwi ang mga nasabing Pinoy sa Pilipinas ng DFA at ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Nabatid na aabot na sa 55 mula sa 1,000 Filipino ang inilikas sa Tripoli mula nang sumiklab ang gulo doon.
Nauna nang itinaas ng DFA ang alert level 4 sa Libya kung saan ipinatutupad ang mandatory evacuation sa mga Filipino.
Facebook Comments