Hinimok ng Comelec na lumantad at magbigay ng kumpletong impormasyon ang kumuha at nag-upload ng video ng umano’y pre-shaded ballots sa Lanao del Sur.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kailangang lumantad ang sinumang may nalalaman sa video para malaman ang kabuuang detalye nito.
Aniya, hindi pa matukoy kung saan nanggaling, kailan nakuhaan ang video at kung gaano kalawak ang pre-shading.
Bukod dito, sinabi ni Jimenez na mayroon pang isang video kung saan makikita na mayroon namang pumipirma sa mga balota.
Pagtitiyak ng Comelec, hindi nila binabalewala ang nasabing mga video.
Nakikipagtulungan na aniya sila sa pamunuan ng Facebook at mga otoridad para matukoy.
Facebook Comments