11 pulis Malabon, sinampahan na ng kaso matapos mangidnap at mangikil sa isang babae

Manila, Philippines – Sasampahan na ng kaso ang 11 pulis malabon na sangkot sa kidnapping at pangingikil sa Malabon City.
Kabilang sa mga kasong haharapin nila robbery, kidnapping, carnapping at may kinalaman sa pagtatanim ng iligal na droga.
Ayon sa Pnp Counter-Intelligence Task Force (CITF),humingi umano ang mga suspek sa biktima na pinangalanang nilang “Norma” ng 2 milyon at isang kilo ng shabu kapalit ng kalayaan nito.
Ang naturang biktima ay kasintahan ng isang inmate sa bilibid prison.
Pahayag naman ni Norma, aminado siya na dati siyang sangkot sa illegal drug trade sa bilibid kung kaya’t nakikita ng mga otoridad, na ito ang posibleng dahilan kung bakit siya target pagkaperahan ng mga suspek.
Kaugnay nito, nauna nang sumuko ang limang pulis na sangkot, na sina PO3 Michael Angelo Solomon, PO3 Luis Hizon Jr. , PO2 Michael Huerto, PO1 Ricky Lamsen At PO1 Jovito Roque habang patuloy pang hinahanap ang dalawang iba pa na sina SPO2 Gerry Dela Torre at PO3 Bernardino Pacoma.

* DZXL558*

Facebook Comments