Ariana, magkakaroon ng benefit concert sa Manchester

Manila, Philippines – Isang benefit concert ang gagawin ni Ariana Grande sa Manchester para sa mga nabiktima ng bombing sa kanyang concert noong Lunes.
Ayon sa singer ang makukuhang pera sa naturang benefit concert ay ibibigay niya ng buo sa mga biktima sa pagsabog.
Nais rin ni Ariana na muling makasama ang kanyang fans at iginiit niya na sisiguraduhin nilang magiging ligtas ang mga taong dadalo sa concert.
Matatandaang mahigit 22 ang namatay at halos 100 ang sugatan sa nasabing pagsabog sa concert kung kaya’t kinansela na ng singer ang mga nasabing concert sa Europe at London.
Samantala, ang mga detalye sa concert ay hindi pa kumpirmado sa ngayon.
DZXL558

Facebook Comments