110 KABATAAN, BENEPISYARYO NG PROJECT HANDOG KAHON NG 1ST IPMFC

CAUAYAN CITY- Napamahagian ang mahigit isang daang kabataan ng Proyektong “Handog Kahon” ng 1st IPMFC sa Sitio Lapuac, Brgy. Binatog, San Mariano, Isabela.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni OIC Force Commander ng 1st IPMFC PMaj. Francis Pattad kasama ang mga Barangay Officials.

Ang mga regalong inihandog ay nagmula mismo sa bawat miyembero ng 1st IPMFC kung saan taun-taon nilang itong isinasagawa at naglalayong maipadama at ipakita ang taos-puso nilang pasasalamat sa mga biyayang kanilang natatanggap sa pamamagitan ng pagbibigay regalo sa mga bata.


Bukod dito, nagsagawa rin ng parlor games ang kapulisan na labis na nagbigay galak at saya sa mga kabataan.

Samantala, ang naturang aktibidad ay bahagi rin ng patuloy na pakikiisa at pagsuporta sa E.O. 70 (NTF-ELCAC) kung saan binibigyan ng serbisyo ang mga conflicted areas o malalayong lugar upang tuluyang mawakasan ang terrorismo.

Facebook Comments