Kabilang sa mga nakapagtala ang probinsya ng Cagayan na 41 mula sa lungsod ng Tuguegarao City (12), bayan ng Enrile (3), tig-dalawang kaso sa mga bayan ng Camalaniugan, Iguig, Piat, Santa Praxedes, Solana at Tuao habang tig-isang kaso naman ang naitala sa mga bayan ng Abulug, Allacapan, Amulung, Aparri, Baggao, Buguey, Claveria, Gattaran, Lal-Lo, Lasam, Pamplona, Peñablanca, Sanchez-Mira at Santa Teresita.
Sa Isabela, may 32 na kaso na mula sa mga lungsod ng Ilagan (6) at Santiago (5), tatlo sa bayan ng Naguilian at tig-dalawa sa mga bayan ng Angadanan, Cabagan, Jones, San Isidro at San Mateo. Nakapagtala rin ng tig-isang kaso sa Alicia, Cabatuan, Echague, Ramon, Roxas, San Manuel, Santa Maria at Tumauini.
Samantala, ang Nueva Vizcaya ay nakapagtala ng 16 na may tig-tatlong kaso sa Quezon at Solano, mayroon tig-isang kaso sa mga bayan ng Alfonso Castaneda, Aritao, Bagabag, Bambang, Bayombong, Diadi, Dupax Del Sur, Kasibu, Santa Fe at Villaverde.
Ang pitong (7) kaso ay sa probinsya ng Quirino kung saan nakapagtala ang mga bayan ng Aglipay at Diffun na may tig-dalawang kaso at tig-isang kaso sa mga bayan ng Cabarroguis, Maddela at Nagtipunan.
Batay sa Batch 58 Report, sampung kaso ay naitala mula sa mga bayan ng Abulug, Alcala, Amulung, Aparri, Claveria, Gonzaga, Sta. Ana at Tuao na may tig-isang kaso habang dalawa sa bayan ng Ballesteros sa Cagayan.
Samantala, tig-isa din sa mga bayan ng Alicia, Benito Soliven, Cabagan, Divilacan, Echague, Naguilian, Roxas, San Agustin at maging sa lungsod Cauayan at Ilagan ang mga naitalang kaso sa Isabela.
Wala namang naiulat na nasawi dahil sa Omicron variant ng COVID-19.
Muling hinihikayat ng Kagawaran ang lahat ng eligible na magpabakuna lalo na sa mga hindi pa nakakatanggap ng paunang bakuna o primary series at magpaturok ng booster shot kung kwalipikado upang maprotektahan ang mga hindi pa maaaring tumanggap ng bakuna.