Makapagbibigay ng 23,000 mga trabaho ang pagsisimula ng konstruksyon sa Bataan-Cavite Interlink Bridge.
Ito ang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) matapos pangunahan ang seremonya sa pagsisimula ng konstruksyon sa Bataan.
Ayon kay PBBM napakalaking proyekto ito na sinimulang planuhin noon pang taong 2018.
Target aniya nilang tapusin ang konstruksyon ng Bataan-Cavite Interlink Bridge sa loob ng limang taon.
32 kilometro aniya ang haba ng tulay na ang ruta ay mula sa Southern Luzon hanggang Central Luzon na hindi dumadaan sa National Capital Region (NCR).
Ito aniya ay makakatulong para mapaluwag ang traffic sa NCR maging ang mga dagsa sa port facilities.
Facebook Comments