MARINA, nag-utos na ng survey sa iba pang vessels ng Aleson Shipping Lines matapos masunog ang barko nito sa Basilan

Ipinag-utos na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang pagsasagawa ng survey sa lahat ng vessels ng Aleson Shipping Lines.

Kasunod ito ng pagkasunog ng isa nitong barko na MV Lady Mary Joy 3 sa Basilan kung saan 31 ang nasawi at marami ang nasugatan.

Inatasan na rin ng MARINA ang nasabing shipping company na bigyan ng kompensasyon ang mga biktima ng trahedya.


Kabilang na ang medical attention sa mga nasugatan at tulong pinansyal.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang MARINA sa pamilya ng mga nasawi sa pagkasunog ng barko.

Facebook Comments