2 NPA, Sumuko; Mga Pampasabog, Gamit, Medikal ng mga Teroristang Grupo, Narekober sa Kalinga

51

Cauayan City Isabela – Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang dalawang miyembro ng Komiteng Larangang Guerilla-AMPIS, Ilocos-Cordillera Regional Committee dala ang kanilang mga armas habang nadiskubre naman ng kasundaluhan ang ilang mga pampasabog at gamit ng mga teroristang grupo sa probinsya ng Kalinga.

Sa bayan ng Pinukpuk, kusang sumuko sina alyas Berto, 30 taong gulang, miyembro ng Squad 1 at alyas Ben, 29 taong gulang, miyembro ng Squad 3 ng nasabing grupo sa pinagsanib na pwersa ng 50th, 54th, at 98th Infantry Battalions.

Bitbit ni alyas Berto sa kanyang pagsuko ang isang M14 rifle, dalawang (2) magazine na naglalaman ng 15 na mga bala ng M14; habang dala naman ni alyas Ben ang isang cal. 30mm carbine na may isang (1) magazine na naglalaman ng pitong (7) bala.


Habang sa bayan naman ng Balbalan, nadiskubre ng tropa ng 50IB ang mga kagamitang pandigma ng Communist NPA Terrorists (CNTs).

Agad na nagsagawa ng operasyon ang tropa ng 50IB matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang dating rebelde tungkol sa mga nakaimbak na gamit pandigma ng mga rebelde.

Sa pagtugon ng militar sa naturang lugar, tumambad sa kanila ang apat (4) na anti-personnel mines, tatlong (3) rifle grenade at mga gamit pang medical tulad ng tatlong anesthesia, anim (6) na pirasong syringe, tatlong (3) bandage, apat(4) na intravenous fluids, tig-isang (1) dextrose at set ng surgical kit at mga subersibong dokumento.



Dinala na sa Barangay Salegseg, Balbalan, Kalinga ang mga nadiskubreng kagamitan para sa kaukulang disposisyon.

Nagpasalamat naman si Ltcol Melanio Somera, Battalion Commander ng 501B sa mga Former Rebels sa pagbibigay ng impormasyon at sa dalawang NPA sa kanilang pagsuko dala ang mga armas.


Hinikayat naman ni MGen Laurence E Mina, Commander ng 5th Infantry Division ang mga natitira pang mga miyembro ng teroristang grupo na magbalik-loob na sa pamahalaan.

Facebook Comments