Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 12 Chinese nationals at 5 Pilipino na sangkot sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon sa NBI, kabilang sa operasyon ng grupo ang love scam, cryptocurrency scam, at fake investment schemes.
Ilan sa mga suspek ang nagtangka ring manuhol sa NBI ng P900,000 kapalit ng hindi pag-detain sa kanila.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, aabot sa P3.6-M ang kabuuang transaksyon para sa pag-arbor sa mga hinuli.
Isinalang na sa inquest proceedings ang 12 Chinese nationals sa Parañaque Prosecutors Office sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012, at Economic Sabotage.
Habang ang 5 Pinoy ay nahaharap sa kasong Corruption of Public Officials sa ilalim ng Act 212 ng Revised Penal Code.