
Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office (LTO) ang 12 accredited driving schools sa National Capital Region dahil sa umano’y iregularidad sa pag-iisyu ng practical driving course certificates.
Batay sa paunang imbestigasyon, nag-isyu umano ng sertipiko ang ilang paaralan sa mga estudyanteng hindi nakumpleto ang required na walong oras na practical driving lesson.
Dahil dito, sinuspinde ng LTO sa loob ng 30 araw ang mga driving school at kanilang mga instructor habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Sa sandaling hindi sumipot sa pagdinig sa loob ng limang araw mula nang matanggap ang show cause order, maglalabas na ng desisyon ang LTO batay sa kanilang hawak na ebidensya.
Facebook Comments










