12 Koreano, naaresto ng Bureau of Immigration dahil sa pag-ooperate ng online business scam sa Makati

Makati City, Philippines – Arestado ng Bureau of Immigration ang 12 Koreano dahil sa pag-ooperate ng online business scam sa gramercy residences, Poblacion, Makati City.

Kinilala ang mga suspek na sina Noh Heamin, Park Jeongho, Kim Sun Jang, Lee Hyanglim, Yoon Daseul, Kim Sunghoon, Jeong Miseon, Park Mingyu, Park Youngju, Park Hyunmyeung, Park Chanju, at Lee Hyunho.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, may warrant of arrest nang inilabas ang Korean court para sa 12 Koreano kung saan kinasuhan sila ng large-scale fraud.


Agad namang ipapa-deport ang mga dayuhan kapag inilabas na ng BI ang kautusan para sa kanilang summary deportation.

Ilalagay na rin sila sa blacklist ng ahensya para hindi na muling makapasok sa Pilipinas.

Samantala sa Pasig City, limang Koreano rin ang arestado ng NBI-Cybercrime Division dahil sa online illegal gambling.

Kinilala ang mga naaresto na sina Cheonji Kim, Ilhwan Yang, Wonsup Yang, Jeong Hyeok Kim at Moon Kyu Kang na siyang namamahal sa mga webpage na online sports betting, sports toto at online casino.
DZXL558

Facebook Comments