Dumating na sa bansa ngayong hapon ang 12-Man team ng mga medical experts galing China.
Sinalubong ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang grupo kasama ang dalawang opisyal mula China.
Kasabay nito, tinanggap din ng kalihim ang mga bagong donasyon ng China gaya ng non-invasive ventilators, personal protective equipment at masks.
Ang grupo ay tutulong sa paglaban ng bansa kontra COVID-19.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, magbibigay ng technical advice ang mga medical experts kung paano maiiwasan at makokontrol ang pagkalat ng virus.
Maaari ring gayahin ng bansa ang naging hakbang ng China kung paano mas epektibong mapapangasiwaan ang bawat kaso ng COVID-19 at kung ano ang mga gamot na kanilang sinubukan.