12 milyong halaga ng Plantasyon ng Marijuana, Pinagsisira

Cauayan City, Isabela- Pinagsisira ng mga awtoridad ang tatlong plantasyon ng marijuana sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa 12 milyong piso.

Ayon sa report, may lawak na kabuuang 6,400 square meters na may 63,200 na fully grown marijuana plants ang muli na namang nadiskubre ng mga operatiba sa kanilang isinagawang ‘Oplan 07 Hawk Pumadcha’

Matagumpay naman na nasira ng mga awtoridad ang nasabing taniman ng iligal na marijuana habang patuloy na inaalam kung sino-sino ang nasa likod ng nasabing malaking lupain ng marijuana.


Pinuri naman ni Provincial Director PCOL. Davy Vicente Limmong, ang hanay ng pulisya sa Kalinga dahil sa matagumpay na pagkakadiskubre ng plantasyon ng marijuana.

Samantala, ilang barangay naman sa probinsya ang nagdeklara ng persona-non-grata sa mga nasa likod ng pagtatanin ng nasabing dahon ng marijuana.

Facebook Comments