12 NA BAGONG KASO NG COVID-19, NAITALA SA LUNGSOD NG CAUAYAN SA LOOB NG ISANG ARAW

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng may pinakamataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan sa loob lamang ng isang araw, September 6, 2020 matapos magpositibo sa virus ang 12 na katao.

Batay sa inilabas na datos ng Cauayan City COVID-19 Task force, sampu (10) sa mga nagpositibo ay walang travel history habang dalawa sa mga ito ay may kasaysayan ng paglalakbay sa Rosario, Cavite at dumalo sa lamay sa bayan ng Luna, Isabela.

Ilan din sa mga nagpositibo ay walang travel of history, asymptomatic at may exposure kay CV823 na kasamahan nila sa trabaho.


Ang mga nagpositibong nagpapakita ng sintomas ay nasa pangangalaga ngayon ng LGU quarantine facilities samantalang ang mga asymptomatic ay nakastrict home quarantine.

Hinihikayat naman ang lahat na magdoble-ingat at lumabas lamang kung kinakailangan.

Facebook Comments