*Cauayan City, Isabela*- Nananatili sa mga isolation room sa ilang ospital sa rehiyon dos ang 7 na Patient-Under-Investigation kaugnay pa rin sa COVID-19.
Ayon sa ulat ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, may kabuuang bilang na 12 ang nagnegatibo sa resulta sa COVID-19; Anim sa mga PUIs ay nakalabas na ng ospital at pito ay kasalukuyan pang nasa isolation room.
Kabilang ang ilang PUI na nananatili sa isolation room ng mga ilang ospital ay mula sa Bayan ng Lasam, Sta. Praxedes sa Cagayan gayundin din sa Bayan ng San Isidro, Dinapigue at Cauayan City sa Isabela.
Mahigpit pa rin ang paalala ng Kagawaran ng Kalusugan sa Lambak ng Cagayan na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon ukol sa COVID-19 sa panahong laganap ang mga balita at sabi-sabing kumpirmasyon na walang opisyal na basehan.
Nananatili pa rin sa ‘zero case’ ang rehiyon dos sa sakit na COVID-19.