12 pa na sugatan sa nahulog na forward truck sa bangin sa T`boli, South Cotabato patuloy na ginagamot.

Patuloy na ginagamot sa iba`t-ibang hospital ang labing dalawang mga survivor sa nahulog na forward truck sa bangin sa bahagi ng Barangay Lamsalome, T`boli , South Cotabato kahapon ng umaga.
Inihayag ni Rolly Aquino, Warning and Operations Division Chief ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office South Cotabato dalawa sa mga biktima kabilang na ang driver ng forward truck na si Robel Rabarra at Dave Ayupan ang inilipat sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City dahil nasa critical na condition.
Dalawa din ang inilipat sa pagamutan sa General Santos City habang walo naman sa mga biktima ang patuloy na ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital at dalawa naman sa mga sugatan sa trahedya ang nakalabas na ng hospital.
Kaugnay nito, magbibigay ng tulong pinansyal at medical ang local government unit ng Surallah, provincial government ng South Cotabato at DSWD 12 para sa gastusin ng mga pasyente na nasa ospital at sa mga namatay.
Sa opisyal na listahan ng PDRRMO South Cotabato nanatili sa 20 ang bilang ng mga patay sa nasabing trahedya na halos nakilala na.
Mechanical error naman ang tiningnan ng kapolisan na sanhi ng aksidente.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments