12 Pulis kabilang ang Hepe ng Tuguegarao City Police Station, Positibo sa COVID-19

Cauayan City, Isabela-Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 12 na pulis kabilang ang hepe ng Tuguegarao City Police Station.

Sa naging panayam ng iFM Cauayan sa mismong hepe ng pulisya, araw ng martes, August 25 ng isailalim ito sa ikalawang swab test hanggang sa lumabas ang resulta na nagpositibo ito sa virus.

Kinumpirma din ng hepe na kabilang ang dalawang menor de edad na pawang mga children in conflict with the law (CICL).


Una nang naglockdown ang nasabing istasyon ng pulisya nitong August 16 makaraang magpositibo sa virus ang isang non-uniformed personnel na si (CV 530) na isa sa mga nananatiling aktibong kaso ng COVID-19.

Giit pa ng hepe, dalawang pnp personnel ang kasalukuyang symptomatic dahil sa kanilang nararanasang sipon at pag-uubo habang ang iba ay asymptomatic na.

Bukod dito, isasailalim ang lahat ng miyembro ng pulisya sa iba pang presinto ng Tuguegarao City dahil sa exposure ng mga ito sa mga nagpositibong kabaro.

Tiniyak naman ng hepe ang tuloy-tuloy na serbisyo sa publiko sa kabila ng positibong kaso ng virus.

Facebook Comments