
Umabot sa 12 rockfall events ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa bulkang Mayon sa nakalipas na 24-oras base sa ulat ng ahensya ngayong November 3, 2025.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang mahinang banaag o crater glow na naaaninag lamang sa telescope.
Nasa katamtamang pagsingaw ang plume sa bulkan na napadpad sa kanluran-timog-kanluran at na-monitor rin ang pamamaga sa bulkan.
Samantala, umaabot naman na sa 590 tonelada kada araw ang Sulfur Dioxide Flux ng bulkan base sa pinakahuling monitoring ng ahensya noong October 6, 2025.
Sa ngayon, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer Permanent Danger Zone at paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.
Una nang sinabi ng ahensya na maaring maganap ang steam o phreatic explosions sa bulkan o magkaroon ng rockfall mula sa tuktok ng bulkan maging ang pagdaloy ng lahar kung may matinding pag-ulan.









