Idineklara ng Pasay City Government na 120 na mga barangay ng lungsod ang COVID-19 free na o wala nang naitalang COVID-19 cases mula nitong May 9.
Sa 201 na mga barangay sa Pasay, 80 na mga barangay pa ang may naitatalang isa, dalawa o tatlong kaso ng COVID-19.
Samantala, ang isang barangay sa lungsod na Barangay 183 ang nakapagtala ng pinakamataas na COVID-19 cases ngayong araw na nasa 18 na sinundan naman ng Barangay 201 na may walong active cases.
Ayon kay Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano, naging epektibo ang pagpapababa ng kaso ng COVID-19 sa lungsod gamit ang pinakamand reintegrate.”husay na tool ng city government na mahigpit na “prevent-detect-isolate-treat and reintegrate.”
Dagdag ng alkalde, bago pa man ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local government unit na hulihin ang mga lumalabag sa mga health protocol ay inatas na sa pulisya ang istriktong implementasyon ng ordinansa laban sa mga violator.