1,200 OFWs, nagpositibo sa COVID-19 – OWWA

Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na 1,200 Returning Overseas Filipino Worker (OFW) ang nagpositibo sa COVID-19 at kasalukuyang naka-isolate.

Ayon kay OWWA deputy administrator Arnell Ignacio, nang magpositibo ang nasabing mga OFW ay agad silang inilipat sa mga quarantine facility kung saan sila mananatili hanggang sa sila ay gumaling.

Aniya, mayroon mga in-house na medical team ang OWWA na nakabantay 24 na oras para tulungan ang mga pangangailangan ng mga OFW.


Ito ay hindi lamang para sa COVID kundi pati na rin sa iba pang mga medikal na alalahanin

Sa datos ng OWWA, kabuuang 901,605 OFWs na ang nakabalik buhat noong May 2020.

Facebook Comments