121 na Magsasaka sa Ilalim ng SM Foundation, Magtatapos sa Kanilang Pagsasanay Bukas!

*Cauayan City, Isabela- *May kabuuang 121 na mga magsasaka ang nakatakdang magtapos sa ilalim ng SM Foundation’s Kabalikat sa Kabuhayan Farmers Training Program bukas (Mayo 22, 2019).

Ang mga magsisipagtapos bukas ay grupo ng ikatlong batch ng nasabing programa sa Lalawigan ng Isabela.

Nagsimula pa ito noong Pebrerokung saaan layunin nito na makapagbigay ng sapat na pangkabuhayan para sa mga magsasaka.


Isang beses kada linggo ay nagsasagawa ng pagsasanay sa larangan ng teknolohiya at maging sa aktwal na paggawa ang mga magsasaka.

Kaugnay nito, nagsagawa ng isang aktwal na demo farm project sa Sitio Manalpaac, Brgy. San Pablo, Cauayan City ang mahigit isang daang mga magsasaka sa ilalim ng nabanggit na programa.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga magsasaka para ibenta ang kanilang mga produktong naani.

Ilan sa mga naaning prutas ay inihanda sa ginawang cookfest at nagkaroon din ng pagkakataon ang mga bisita upang tikman ang mga inihandang masasarap na pagkain sa naganap na boodle-fight.

Dagdag dito, ang mga benepisyaryong magsasaka ay dumaan sa ilang pagsasanay tulad ng seed culture at propagation, irrigation, fertilizer application, pruning at ligtas na pagsasaka

Inaasahan na mas marami pang magsasaka ang mabibigyan ng pagkakataon sa modernong pagsasaka dahil sa makabagong teknolohiya katuwang ang SM Fondation’s Kabalikat sa Kabuhayan Training Program, Harbest Agribusiness Corporation, Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture at ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments