1,249 Kaso ng COVID-19, Naitala ng Region 02

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng dalawamput lima (25) na panibagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Lambak ng Cagayan.

Batay sa tala ng DOH2 as of September 15, 2020, nasa 25 na kaso ang naidagdag sa total cases ng COVID-19 sa rehiyon na nagdadala sa kabuuang 1,249.

Ang bagong bilang ng kaso ng COVID-19 ay dalawa (2) ang naitala mula sa probinsya ng Cagayan, labing dalawa (12) sa Isabela, isa (1) sa Quirino at sampu (10) sa Nueva Vizcaya.


Mula sa naitalang total cases, 412 dito ang active cases, 819 ang recoveries at 18 ang nasawi.

Kaugnay nito, nasa 327 na ngayon ang total cases ng Cagayan, 312 sa Nueva Vizcaya, 73 sa Santiago City, 5 sa Quirino at pinakamaraming may kaso ang Lalawigan ng Isabela na may 532 na COVID-19 positive.

Hanggang ngayon ay nananatili namang COVID-19 free sa rehiyon dos ang probinsya ng Batanes.

Facebook Comments