125 Katao sa Isabela, Nagpositibo sa COVID-19 Ngayong Araw

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng mataas na bilang ng bagong positibo sa COVID-19 ang probinsya ng Isabela.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Pebrero 26, 2021, umabot sa 125 na bagong positibong kaso ang naitala sa probinsya lamang ng Isabela habang dalawampu’t lima (25) lamang ang gumaling.

Sa bilang na 125 new COVID-19 cases, ang tatlumpu (30) ay naitala sa bayan ng Cabagan; dalawampu’t tatlo (23) sa bayan ng San Manuel; dalawampu’t isa (21) sa Santiago City; labing tatlo (13) sa Alicia; labing dalawa (12) sa Luna; sampu (10) sa Angadanan; apat (4) sa San Agustin; tatlo (3) sa Aurora; tig-dalawa (2) sa bayan ng Ramon at Gamu at tig-isa (1) sa mga bayan ng Mallig, Reina Mercedes, Tumauini, Delfin Albano at Cauayan City.


Tumaas naman sa 472 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ngayong araw na kung saan ay umabot na sa 5,269 ang total confirmed cases sa probinsya at eksaktong 100 naman ang kabuuang bilang ng namatay.

Bahagya namang tumaas sa 4,698 ang bilang ng mga nagpositibong gumaling sa sakit.

Pinakamarami pa rin sa aktibong kaso ang Local transmission na 426; dalawampu’t siyam (29) na health workers; siyam (9) na pulis at walo (8) na Locally Stranded Individuals (LSIs).

Facebook Comments