Nagtanim ng 127 na puno ang mga guro, magulang, mag-aaral at ilan pang volunteers sa hangganan ng Bangar-Luna Road sa Brgy. Paratong 4, Bangar, La Union.
Ang tree planting activity ay kasabay ng pagdiriwang ng mga indibidwal sa ika-127 Araw ng Kalayaan sa bansa na may layunin na makiisa sa pagpapahalaga sa kalikasan.
Ibat-ibang uri ng seedlings ang itinanim sa naturang bahagi bilang paggunita sa sakripisyo ng mga Pilipinong Martir na nagbigay kontribusyon upang makamit ang kasarinlan ng bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









