129 katao, nasagip ng PCG sa Surigao

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 85 na pasahero at 44 na crew members ng isang pampasaherong barko sa Surigao Anchorage area.

Ayon sa PCG, nakatanggap ng tawag ang kanilang hanay na nagkaaberya ang MV Fastcat M17.

Dadaong na sana ang barko nang magkaaberya ang pagpapababa ng angkorahe.


Agad naman na nagsagawa ng search and rescue operation kung saan nailigtas ang mga pasahero at crew at dinala sa Surigao Baseport.

Nabatid na galing ng Liloan Port ang barko at patungo sana ng Surigao Baseport.

Pinayuhan naman ng PCG ang Kapitan ng barko na si Joni Capacite na maghain ng marine protest para magpaliwanag.

Pag-aari ng Archipelago Philippines Ferries Corporation ang nagkaaberyang barko.

Facebook Comments