Cargo vessel, lumubog sa Palawan

Isang cargo vessel ang lumubog may tatlong nautical miles sa Bantac Island sa Coron, Palawan kaninang alas-10:30 ng umaga.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), lumubog ang MV Amelia Kyle-1.

Nakatanggap ng ulat ang PCG mula sa FB Mommy Rose V na sister company ng MV Amelia Kyle na nagpapasaklolo.


Nailigtas ng PCG ang 14 na crew.

Lumubog ang barko dahil sa malalakas na alon.

Sinusuri na ng PCG kung may oil spill sa lugar.

Facebook Comments