6 na sundalo, patay matapos maka-engkwentro ang Daulah Islamiyah sa Lanao del Norte

Nasawi ang anim na sundalo habang apat na iba pa ang sugatan matapos maka-engkwentro ang mga miyembro ng Daula Islamiyah.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Col. Xerxes Trinidad, naganap ang engkwentro kahapon sa Brgy. Ramain, Munai, Lanao del Norte.

Base sa ulat, nagsasagawa ng Decisive Military Operation ang militar sa lugar nang makaharap ang humigit kumulang 15 miyembro ng DI.


Samantala, dalawang miyembro ng DI naman ang nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 18 ang bilang ng mga DI na neutralisa ng militar kasama na ang alyas engineer na mastermind sa MSU bombing.

Samantala, kasalukuyang nagpapagaling sa Camp Evangelista Hospital ang mga sugatang sundalo at nagpaabot naman ng pakikiramay ang liderato ng AFP sa naulilang pamilya ng mga nasawing sundalo.

Facebook Comments