Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa corona virus ang isang 13-anyos na batang lalaki mula sa Barangay Villa Gonzaga, Santiago City, Isabela.
Batay sa opisyal na pahayag ng City Government ng Santiago, nagkaroon ng kasaysayan ng pagbiyahe ang nasabing pasyente sa Taytay, Rizal na kabilang sa mga Locally Stranded Individual (LSIs).
Dumating ang pasyente nitong miyerkules, Hunyo 17 sa lungsod na agad namang idiniretso sa quarantine facility ng lungsod.
June 19 ng kuhanan ng specimen sample ang bata para isailalim sa swab test at ngayong araw ng ianunsyo na positibo sa virus ang pasyente.
Walang nakitang sintomas ng virus sa bata at nakatakdang ilipat ngayon sa Southern Isabela Medical Center para sa atensyong medikal.
Kahapon, naitala ang isang 63-anyos na babae na positibo rin sa virus.