13 drug personalities sa Rajah Buayan sa Maguindanao, naaresto ng PNP

42

Huli sa ikinasang Anti-Drug Operations ng Philippine National Police (PNP) ang 13 drug personalities sa Barangay Malibpolok, Radjah Buayan, Maguindanao.

Sa ulat ni PNP Bangsamoro Autonomous Region Regional Director Samuel Rodriguez, ang mga naaresto ay mga residente ng nasabing bayan.


Nakuha sa mga drug suspek ang 11 heat sealed sachet ng shabu, tatlong improvised tooters, dalawang cellphones, dalawang pocket Wi-Fi at iba’t ibang klase ng playing cards na ginagamit sa ilegal na sugal.

Sa ngayon, nakakulong na ang mga suspek at nahaharap na sa kaso.

Facebook Comments