Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkilala sa kompanyang malapit sa 2023 Presidential Mineral Industry Environmental Award.
Nasa 13 kompanyang nasa sektor ng pagmimina ang ginawaran ng pagkilala sa Malacañang para sa ipinakitang pagtugon ng mga mining company sa itinataguyod na responsableng pagmimina.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang pagpapatupad ng responsableng mining practices ay magbibigay proteksiyon sa kapaligiran.
Halimbawa ang ginagawang extraction process sa pagmimina kung saan malinis, episyente, at naibabalik sa ayos ang mga lupaing dumaan sa pagmimina.
Dagdag ng Pangulo, nararapat ding magsaliksik ng mga bagong pamamaraan na may kinalaman sa mineral processing na malaki ang maibabawas sa wastage at pagkonsumo ng enerhiya.