13 miyembro ng Philippine Marines – patay sa 16-na oras na bakbakan sa grupong Maute sa Marawi Cit; report na nasawi rin sa engkwentro ang Maute brothers – bineberipika na ng otoridad

296

Marawi City, Philippines – Labing tatlong miyembro ng Philippine Marines ang patay sa labing anim na oras na bakbakan laban sa Maute sa Marawi City.

Sa press briefing ng Joint Task Force Marawi, kinumpirma ni 1st Infantry Division Spokesman Lt. Col Jo-Ar Herrera – nagkaroon ng matinding bakbakan ang mga tauhan ng marine battalion landing team 5 at 7 laban sa hindi mabilang na miyembro ng Maute sa Barangay Lilod, Madaya.


Aniya, nag-umpisa ang engkwentro 3:30 ng umaga na tumagal ng 6:30 ng gabi na nagresulta sa pagkasawi ng 13-sundalo.

Kabilang ang mga napatay sa grupo ng Philippine Marines na nasa likod ng pagkaka-rekober sa P52 million halaga ng cash at P27 na tseke na pinaniniwalaang bahagi ng pondo na hawak ng teroristang grupo.

Aminado si Herrera na nahirapan ang tropa ng militar dahil ginamit ng mga teroristang grupo bilang human shields ang mga sibilyan.

Sa ngayon ay pumalo na sa 58 ang tropa ng pamahalaan na nasawi sa bakbakan.




Sinabi ni Herrera na patuloy nilang inaalam kung ilan ang nalagas sa panig ng grupo, kabilang na ang report na nasawi din sa engkwentro ang magkapatid Abdullah at Omar Maute.

Kasabay nito, kinumpirma ng opisyal na hindi pa nakakalabas ng Marawi ang itinuturing na Emir ng ISIS sa bansa na si Isnilon Hapilon.
DZXL558

Facebook Comments