BPI – ipinagtanggol ng Bankers Association of the Philippines kaugnay sa naranasang system glitch

156

Manila, Philippines – Suportado ng Bankers Association of the Philippine (BAP) ang ginawang aksyon ng Bank of Philippine Islands para maitama ang naranasang system error.

Sa statement na inilabas ng BAP – tiwala pa rin sila sa BPI sa pagresolba sa natuklasang “internal system glitch”.


Pagtatanggol ng BAP – hindi pambihira ang ganitong pangyayari, pero may kahandaan ang bawat bangko sa ganitong mga problema para hindi ma-antala ang serbisyo sa kanilang mga kliyente.

Hindi rin naniniwala ang BAP na makaka-apekto ang “system glitch” sa nasabing bangko na pag-aari ng mga ayala maging sa banking industry.

Mananatiling maayos din aniya ang BPI bilang financial institution at makakaasa pa rin ang publiko sa serbisyo ng bangko.

Umaga ng Miyerkules, nang makaranas ng problema ang mga account holder ng BPI kung saan nagkaroon ng mis-posting ng bank transactions mula April 27 hanggang May 2.




Nakaapekto ito sa online banking kung saan nakaranas ng auto debit, double transactions at ang iba ay nadagdagan naman ang deposito ng kanilang BPI accounts.
DZXL558

Facebook Comments