13% na pagtaas sa koleksyon ng Home Development Mutual Fund sa unang bahagi ng 2021, naitala

Sa kabila ng epekto ng pandemya, tumaas nang 13% ang koleksyon ng Home Development Mutual Fund mula sa kanilang mga miyembro sa unang bahagi ng 2021.

Sa isinagawang virtual Kapihan with Pag-IBIG, sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti na mula Enero hanggang Abril 2021, naitala sa bansa ang P6.7 billion ang collections nito mula sa P4.6 billion na naitala noong 2020.

Tumaas din sa P9.1 billion ang regular savings nito mula sa P8.4 billion noong 2020.


Ayon kay Moti, patunay ito ng patuloy na pagtitiwala sa Pag-IBIG Fund ng mga Pilipinong manggagawa sa kabila ng paglaylay ng ekonomiya dulot mga lockdown.

Sa kasalukuyan ay mayroong 12.77 milyon na active members ang Pag-IBIG Fund.

Sa kabila ng pandemya, naitala sa P31.7 billion ang net income nito at nakapagpalabas ng 99.39 billion na housing at cash loans sa mga miyembro.

Mula sa P44 billion noong 2020, tumaas ng P63.75 billion ang naipalabas na housing loans ngayong 2021.

Facebook Comments