Mahaharap din sa parusa ang 13 ng kadete ng Philippine Military Academy na sinasabing sangkot sa pag-hazing sa nasawing si 4th class cadet Darwin Dormitorio sa Akademya sa Baguio City.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, 6 na senior cadet ang mahaharap sa administrative proceedings, 4 ang maaaring matanggal sa PMA, 2 ay mapaparusahan ng suspension at isang kadete ay mahaharap sa Penalty.
Nananatili naman sa PMA stockade ang dalawa sa tatlong primary suspek sa pagpatay kay Dormitorio habang ang isang suspek ay nasa holding center ng PMA na ngayon ay bantay sarado.
Sinabi pa ni Arevalo na sa September 25, nakatakda nang sampahan ng kasong kriminal ang tatlong primary suspek sa Baguio City.
Facebook Comments