Cauayan City, Isabela- Nagbigay ng tulong ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa 13 na persons with disability at 86 mangingisda na ginanap sa Balai, Provincial Capitol, Alibagu, City of Ilagan.
Nakatanggap ang mga naturang PWDs ng mga assistive device na may kasamang prosthetics, wheelchairs, crutches, canes at walkers hindi lamang para sa kanilang kaligtasan gayundin upang makatulong sa kanilang pang araw-araw na gawain.
Samantala, aabot naman sa walumpu’t anim (86) na mangingisda ang nakatanggap ng mga fishing gear, fish nets at mga bagong bangka upang mapaunlad pa ang kanilang kabuhayan.
Maliban sa mga assistive devices, ang mga PWDs ay nakatanggap din ng grocery packs mula sa Provincial Social Welfare and Development Office.
Facebook Comments