COMELEC Commissioner Neri, haharapin ang mga alegasyon laban sa kaniya sa tamang forum

465

Tiniyak ni bagong Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Aimee Neri na handa siyang harapin ang mga alegasyon na ibinabato laban sa kanya ni Atty. Ferdinand Topacio.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, sinabi ni Neri na handa siyang harapin ang mga kasong ito sa tamang forum.

Aniya, hihintayin nila ang desisyon ni Topacio kung idudulog nila ito o hindi sa Commission on Appointments (CA).


Nauna nang sinabi ni Topacio na ang kanyang kliyente na convicted drug lord na si Herbert Colanggo ay nagbigay kay Neri ng P10 milyon noong siya ay Justice Assistant Secretary pa lamang para ayusin ang kaso nitong robbery sa Korte Suprema.

Facebook Comments