Patuloy na pag-atake ng Russia sa Ukraine, mas lalo lang nagpalakas sa NATO

Iginiit ni United States Vice-President Kamala Harris na ginawa lamang ni Russian President Vladimir Putin na mas malakas ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) Western defense alliance sa patuloy na pagsalakay sa Ukraine.

Ayon kay Harris, malinaw sa kanila na mas malakas ang alyansa ng NATO at mas mahina ang Russia dahil sa ginawa ni Putin.

Dahil dito, kailangan aniya nilang tulungan ang Ukraine.


Sinabi naman ni Polish President Andrzej Duda na dapat ay dagdagan pa ang sanctions laban sa Russia.

Hindi dapat aniya hinahayaan ang mga ganitong military activity na nagdudulot ng pagkasawi ng mga tao.

Facebook Comments