13 reasons why sinasabing malas ang Friday the 13th

Normal na sa karamihan ang salitang ‘malas’ kapag naririnig ang numerong 13.

May mga paniniwala na may kalakip na bad luck ang numerong ito, ngunit ano ba ang kinalaman at koneksyon nito sa araw ng Biyernes?

Friday the 13th, the creepiest day of the month ika nga. Sa loob ng isang taon, may isa hanggang tatlong beses natin itong madadaanan. At sa tuwing papatak ang naturang ‘unlucky day’, marami ang agad na nagsasabing, “Naku, malas ang araw ngayon.”


Bakit nga ba nagkaroon ng ganitong pamahiin at paano ba ito tumatak at nananatiling buhay sa karamihan?

Tingan natin ang labintatlo lamang sa mga pangyayaring naging dahilan bakit sinasabing ‘malas’ ang Friday the 13th.

1.THE LAST SUPPER

Biyernes nang ipako sa krus si Hesu Kristo. Noong gabi bago ang araw na ito, kasama Niyang kumain ang kanyang 12-disipulo at sinasabing ang ika-13th na bisita ni Hesus ay si Judas, ang disipulong trumaydor sa Kanya bago ang pagpako Nito sa Krus.

2. GREAT FLOOD AND ADAM’S TEMPTATION

Friday the 13th nang nangyari ang ‘Great Flood’ noong panahon ni Noah kung saan pinagawa siya ng Panginoon ng malaking arko para sa kanyang buong pamilya at mga alagang hayop. Ito ay ikinamatay ng lahat nang nabubuhay sa lupa noong mga panahong iyon. Friday the 13th rin nang kainin ni Adam ang mansanas nang magpadala ito sa temptasyon. Ito ang naging simula nang pagkakaroon ng kasalanan ng tao.

3. KNIGHT of TEMPLARS TORTURE

October 13, 1307, Biyernes, nang arestuhin, itorture at ipapatay ni King Philip IV ang Knight of Templars o ang Western Christian Military noong Middle Ages.

4. ROSINNI’S DEATH 

Sa Italy, itinuturing na malas ang Friday the 13th gaya ng isang Italian composer na si Gioachinio Rosinni na ayaw na ayaw ang nasabing araw, at namatay eksaktong November 13, 1868, Biyernes.

5. CAPITAL PUNISHMENT IN BRITAIN

Sa Britanya, ang Biyernes at numerong 13 ay tinatawag nilang ‘Capital Punishment’. Ang araw ng Biyernes ay tinuturing nilang ‘the day of the hangman or the noose‘ dahil sa araw na ito isinasagawa at isinasapubliko ang pagbibitay.

6. ANXIETY DISORDER OF WOMEN IN FINLAND

Sa Finland, may mga researches na kadalasang namamatay ang mga kababaihan tuwing Friday the 13th dahil sa anxiety disorder na nagiging rason ng mga traffic-related accidents na kinabibilangan nila.

7. ‘DESGOSTO’

Sa Brazil, ang Friday the 13th ng Agosto ay itinuturing na malas dahil katunog nito ang salitang ‘desgosto’ na nangangahulugang sorrow o matinding kalungkutan.

8. END OF EARTHLY LIFE

Sa Egypt, ang paniniwala ng mga ancient Egyptians na swerte ang numerong 13 dahil sa 13th Stage of Life o ‘Afterlife’ ay naging ‘End of Earthly Life’ mula nang unti-unting nawala ang kanilang sibilisasyon. Nagbago ang konotasyon nila sa naturang numero na mula hope ay naging simbulo ng death and fear.

9. EARTHQUAKE IN TURKEY

Sa Turkey, mahigit 2000 katao ang namatay at 50,000 ang nawalan ng tirahan dahil sa tumamang Magnitude 6.1 na lindol noong Marso 13, 1992, Biyernes.

10. FEAR OF FRIDAY THE 13TH

Sa Amerika, marami ang nagkaroon ng phobia na tinatawag na Friggatriskaidekaphobia, ang ‘fear of Friday the 13th’, na labis na nakaaapekto sa buhay ng nasa 17 to 21 milyon na mga Amerikano. Dahil dito may takot ang mga ito na lumabas ng bahay na nagiging sanhi nang hindi nila pagtatrabaho at pagpunta sa doktor. Labis din ang panic na dulot nito na maaari pang maging rason ng depression at suicide.

11. EVIL NUMBER

Sa Numerology, itinuturing na evil ang numerong sumusunod sa number 12 na itinuturing namang ‘more complete’. Mayroong 12-buwan sa isang taon at 12-zodiac signs. At dahil ang numerong 13 ang sumusunod sa 12, ito ay senyales raw ng kamalasan.

12. NO 13TH FLOOR 

Walang 13th floor ang mga ospital, buildings, at ang ibang terminal ay hindi naglalagay ng mga rooms at gates na mayroong number 13.

13. EVIL FRIDAY THE 13TH

Ang ‘Friday’ at ’13’ ay sinasabing parehong may pinanggalingang pangyayari sa nakaraan na nagpapakita na evil o malas ito.

Mula ng magkaroon ng pamahiin na malas ang Friday the 13th, marami na ang naiulat na iba-ibang kaso at hindi magandang pangyayari maging sa kasaysayan.

Basahin ang 13 ‘malas’ na mga pangyayari sa kasaysayan.

 

Facebook Comments