Nakapagtala ng 133 bagong botante ang Commission on Elections (COMELEC) Mangaldan Office mula sa isinagawang 2-day satellite voter registration sa Mangaldan National High School (MNHS) noong January 13-14, 2025.
Ayon sa COMELEC Mangaldan, karamihan sa mga bagong rehistradong botante ay mga kabataang may edad 15 hanggang 17 taong gulang, na layong maagang maihanda at mahikayat na makilahok sa nalalapit na halalan.
Bukod sa mga bagong rehistrong mga botante, naging daan din ang satellite registration ng iba’t ibang serbisyo gaya ng change of name, correction of entries, transfer mula sa ibang distrito o munisipalidad, transfer na may kasamang correction of entries, at transfer sa loob ng parehong distrito, lungsod, o bayan.
Samantala, nakatakda pang umikot ang tanggapan para sa satellite registration sa iba’t-ibang panig ng bayan bago magtapos ang voters registration sa May 18,2026










