Isang lalaki, kalaboso matapos mahulihan ng baril

23
Manila, Philippines – Kalaboso ang inabot ng isang lalaki matapos mahulihan ng baril sa isinagawang Oplan Sita ng pulisya sa Taguig City.
 
Kinilala ni SPO1 Cyruz Lopez ng Taguig PCP 2 ang suspek na si Joseph Villata, 28-anyos, at residente sa nasabing lugar.
 
Nagsasagawa  ng Oplan Sita ang mga kagawad ng PCP 2 nang mamataan si Villata na naglalakad at kahina-hinala ang kilos sa Roldan St., Purok 2, New Lower Bicutan.
 
Dahil dito, sinita ito ng mga pulis at nang kapkapan ay nakuha mula sa kanya ang isang kalibre kwarenta y singko na baril, isang magasin at apat na bala.
 
Si Villata ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang illegal possession of firearms and ammunition.


Facebook Comments