Patay ang nasa 138 indibidwal habang 560 katao ang sugatan sa magkakahiwalay na pagsabog sa Sri Lanka.
Naganap ang pagsabog ngayong Easter Sunday sa ibat-ibang simbahan sa syudad ng Colombo, Negombo at Batticaloa.
Nagkaroon din ng malakas ng pagsabog sa kapitolyo ng Colombo kung saan tatlong hotel ang pinasabugan sa kabilang dito ang the Shangri La, Cinnamon Grand at Kingsbury Hotel.
Dahil dito, inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga nasawing biktima.
Ayon kay Sri Lankan Economic Reforms Minister, Harsha De Silva, agad silang nagpatawag ng emergency meeting sa Army Head, Air Force at Navy.
Agad naman nagpaabot ng pakikiramay si Sri Lankan Prime Minister Ranil Wickremesinghe at nanawagan sa kanyang mga kababayan na manatiling kamlmado at maging matatag.
Sa ngayon, hindi pa tukoy ng mga otoridad ang dahilan sa pagpapasabog.