14 Katao, Arestado sa Magkakahiwalay na Operasyon ng Pulisya dahil sa Sugal

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng mga alagad ng batas ang 14 katao kabilang ang dalawang tumanggap ng ayuda sa SAP maging ang dalawang miyembro ng 4Ps sa magkakahiwalay na operasyon sa Probinsya ng Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Haidilyn Calderon, 43-anyos, 4Ps member; Estrella Laforga, 32-anyos, SAP recipient; Nelson Delos Reyes, 31-anyos at Florencia Paguigan, 28-anyos, SAP recipient at kapwa mga residente ng Brgy. Aurora, Alicia, Isabela.

Maliban dito, naaresto din sina Marijane Canceran, 30-anyos; Severino Atuan, 44-anyos, isang construction worker; Rosali Pasig, 43-anyos, 4Ps member at kapwa residente ng Brgy. Ballacayu, San Pablo, Isabela.


Sasampahan din ng kaukulang kaso sina Bernadette Cayapan, 26-anyos, isang estudyante, Vangie De Guzman, 43-anyos at Virginia Ventura, 38-anyos kapwa mga residente naman ng Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Mahaharap sa kasong may kaugnayan sa iligal na sugal na sina Vil Marc Maddawin, 22-anyos, estudyante; Mario Acosta, 32-anyos; Jovani Malabad, 49-anyos at Emiliano Rivera, 48-anyos at kapwa mga residente Brgy. San Jose, Delfin Albano, Isabela.

Nakumpiska sa mga suspek ang mga pera at baraha na ginamit sa iligal na sugal.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng mga pulis ang mga suspek na mahaharap sa kasong PD 1602 o Illegal Gambling.

Facebook Comments