14 Majority members sa Senado, lumagda sa statement of support para kay SP Zubiri

 

Lumagda sa isang “statement of support” para kay Senate President Juan Miguel Zubiri ang 14 sa 20 miyembro ng Majority Bloc.

Ang nasabing “statement of support” ay pagpapakita ng kanilang matatag na suporta sa liderato ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Kabilang sa mga lumagda sa manifesto sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Majority Leader Joel Villanueva, Senators Sherwin Gatchalian, Sonny Angara, JV Ejercito, Grace Poe, at Nancy Binay.


Pumirma rin sina Senators Lito Lapid, Raffy Tulfo, Mark Villar, Ronald “Bato” dela Rosa, Francis Tolentino at Christopher “Bong” Go at maging si Zubiri ay lumagda rin.

Nakasaad sa statement of support ang matibay na suporta kay Zubiri na nagpanatili sa dignidad at independence ng Senado.

Samantala, mula sa Mayorya ay hindi pa nakakalagda sina Senators Jinggoy Estrada, Ramon “Bong” Revilla Jr., Francis Escudero, Imee Marcos, Robin Padilla at Cynthia Villar.

Facebook Comments