Pastor Quiboloy, dapat tiyaking mapananagot sa mga kinasasangkutang krimen

 

Para kay Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, tama ang pasya ng Department of Justice o DOJ na sampahan ng kasong child abuse at trafficking si Kingdom of Jesus Christ (KJC) Pastor Apollo Quiboloy.

Diin ni Brosas, panahon na para papanagutin si Quiboloy na matagal nang nakalusot sa kamay ng batas dahil sa pagtatago sa proteksyon ng mga maipluwensyang personalidad sa bansa.

Bunsod nito ay umaasa si Brosas na hindi lang PR stunt ang hakbang ng DOJ na magbibigay ng false hope sa mga batang biktima umano ng pang-aabuso ni Quiboloy.


Kaugnay nito ay nananawagan si Brosas sa patas at malalimang imbestigasyon para matiyak na maisisilbi ang hustisya sa mga biktima na matagal ng panahon na nagdurusa sa trauma bunga ng sinapit umano nila sa kamay ni Quiboloy.

Facebook Comments